tapos na ang mga araw ng pagluha ko
tinapos ko na ito
kahit masakit, kahit mahirap, kailangan
may mas maliwanag pang daan sa may kanto, di ko pa naaabot
maya-maya siguro naroon na ako, konti na lang
mabagal pa ang paglakad ko, masakit pa kasi ang binti ko
matagal ko na rin itong naramdaman pero iniinda ko lang
maghapon akong nakaupo lamang at parang wala lang
ngunit nagdesisyon akong tapusin na ang lahat ng paghihirap ko
masarap pala maglakad kahit malubak ang daan
kahit masakit pa ang binti ko, kailangan nang sanayin para humilom
tingnan mo, maya-maya, nasa may kanto na ako
doon, mas maliwanag, mas masaya
wala ng luha, wala ng sakit at pait..
paalam na sa upuang matagal ko nang nakasama,handa na akong lisanin ka..
No comments:
Post a Comment