Friday, October 28, 2011

Ikalawang Ikaw

Hitik sa panlalait sa kalye
Usap-usapan ng marami
Dahil ba sa paglaladlad mo ng panibagong ikaw

Magkahawak kamay sa dilim
Dahil sa liwanag maraming nakatingin
Umuusig sa kanilang kaluluwa
Eh sino ba silang dapat humusga

Bilanggo na pagkatao
Sa lipunang pilit humubog sa'yo
Kailan pa kaya ika'y matatanggap
MApawi ang takot na sayo'y humawak

Hawiin ang tabing sa mukha
Sikil na damdamin bigyan ng laya
Unawang sigaw sasabay sa batingaw
Ipakita sa lahat ang tunay na ikaw
(Halina't dinggin ang daing ng mga nagtatago sa dilim)

* Di na muling magtatago sa dilim
Sa paglalahad mo'y muling angkinin
Likas na karapatan mo sa lipunan
Lumaya sa tanikala
ng hawlang piitan...

-Mula sa Ridaw sa panulat nina John Marasigan, Mica Atienza at Myke Sotero-
Nasa album ring Karbengan with our song Bayan BAyan Ko..

No comments:

Post a Comment