Friday, October 28, 2011

Lungkot

Isip ko'y gulong-gulo
Di malaman ang gagawin
Kunwari'y hindi nahihirapan
Ngunit ang puso ko'y humihiyaw, nagsusumigaw

Kailan kaya makakamit
Hinahngad na pag-ibig
Sa'yo ko ito natagpuan
Ngunit iba ang iyong natipuhan

Sana ito'y lumipas
Parang isang pagsubok lamang na dumaan
Sana madali makalimot
Para wala na ang salimuot

Sa muli nating pagkikita
Ala-ala ng kahapon ay wala na
Pasensya na, minahal lang talaga kita
Wala akong magagawa, puso ay nagdurusa

Lungkot ay mawawala rin
Pagkat panahon ay lilipas din
Alam kong ako'y matatauhan
Sa kahibangang ikaw ang dahilan..

(Sazi's Bar.08/18/10)

No comments:

Post a Comment