Friday, October 28, 2011

Ikaw na Kanlungan ko...

Inalipin ka ngunit sa huli ay bumangon ka.
Nilimot ang hagupit ng mga dayuhan at
pinatunayang kaya mong umahon at magkaron ng kasarinlan.
Nakatayo ka pa rin ngayon at inaabot ang pangarap.
Ilang lider na ang humawak saiyo,
Ilang mga pangako na rin ang nagdaan,
Ngunit hindi ka napapagod
Bagkus ay pinag-iisa mo ang sambayanan at ang pagmamahal saiyo, o Bayan,
ang aming pinanghuhugutan.

Hitik man sa panlalait mula sa ibang dayuhan
Kami'y nagpapakatatag at nagpapakahusay.
Sa iba't-ibang larangan, kantahan, sayawan, teatro, isports, o intelektwal na pagalingan,ikaw ang inspirasyon namin para makamit ang tagumpay.

O, Inang Bayan, kami'y iyong gabayan.
Alitan, korupsyon, at kahirapan, sana'y aming mawaksihan.
Kung ang lahat ng Pilipino ay magkapit-bisig,
Walang imposible sa pangarap kong noon pa iniibig.
Bayan kong minamahal, magpakatatag ka.
Marami pa ang mga maka-bayan na handang ipaglaban ka.

-Shie-
10/25/10

No comments:

Post a Comment