Friday, October 28, 2011

Sa Langit Ko

Sa himpapawid ako'y lumilipad
Kahit ako'y walang pakpak
Patungo sa'yo, patungo sa alapaap

Simulan na, simulan na ang kasiyahan
Kahit puso ko'y puno nang kalungkutan
Sa paglipad ko, ito'y makakalimutan

Lipad, Lipad
Lipad sa kalangitan
Bigat na pinapasan
Unti-unting nalilimutan

Sigaw, sigaw
Sigaw na walang hanggan
Sa langit mo, ako'y iyong hagkan

Problema'y limutin
Bigat na pinapasan, itapon sa karagatan
Sa agos ng ala-ala
Ito'y unti-unting mawawala

Kapit ng mahigpit
Pagka't sa langit tayo ay lalapit
Sa tunog at tinig
Hubaran ang pait na sa puso'y pumipintig..

(Sazi's Bar.09/18/10)

No comments:

Post a Comment