Friday, October 28, 2011

ingay.gulo.mundo..

hindi mo maaatim tanggapin na ang nangyayari sa paligid mo ay minsang nagpapalakas o nagpapahina saiyo.

may mga bagay na hindi mo dapat pinapansin ngunit sadyang kapansin-pansin.

may mga bagay ring pinapasin mo ngunit hindi mo naman talaga dapat pansinin.

sa mga nakaukit sa mundong ito, iba’t-ibang interpretasyon ang maaaring mabuo.

iba-iba tayo, galing sa iba-ibang lahi, iba-ibang hugis ng utak, iba-ibang bituka.



malimit kong kausapin ang sarili ko, bakit nga ba ganito kagulo ang mundo, hindi ba pwedeng payak na pamumuhay na lamang at wala ng komplikasyon? maaari bang mamuhay ng hindi nasasaktan o hindi mananakit ng kapwa?



kalokohan, magulo talaga..

No comments:

Post a Comment