Lalaban pa sana ako kung nakikisama ang kalusugan ko pero tama na, ayoko ng abusuhin ang brain cells ko, baka maubos ng sobrang aga,
Oo, sinusumpa ko ang migraine ko kasi ang dami kong hindi nagagawa dahil dito. Lalo na nung umatake pa ito nung finals week, mas nawalan na talaga ako ng gana. My seizures were so disturbing and I feel like bursting in pain.
Noong highschool hanggang college ako, I was under medication. My neurologist, after almost 5 years of treatment finally told me and my mom, "graduate ka na!". Tuwang tuwa si mama noon hindi tulad noong sinabi sa kanya ng doctor ko nung na-diagnose pa lang ako ng sakit ko. Nakita ko siyang umiiyak, bakit daw pati ako (kasi unang na-diagnose yung pangatlo kong kapatid), the doctor said maybe the genes of mama and papa are not compatible.
At yun na nga, nung grumaduate na ako sa sakit ko, pati yung kapatid ko, tuwang tuwa kaming lahat. Pero bakit recently sunod-sunod na naman ang seizures ko? Ayoko na magpa ECG at MRI. Natatakot akong malaman na baka bumalik na naman yung sakit ko. It's a curse for me.
I was an epileptic patient before pero it's not what you imagine na nanginginig at nagba-bubbles yung bibig. Sa akin is mild epilepsy, ang seizure ko is super duper to the highest level na sakit ng ulo. My sister naman is epileptic din, yung sa kanya mas malala pero magaling na rin siya. Bigla na lang siyang hihimatayin then nagvaviolet yung color ng skin pero no bubbles in the mouth pa rin.
So ayun, FYI na rin, hindi lahat ng epileptic ay nagbabubbles ang bibig o nanginginig ang katawa.
As for my next path? Bahala na po si Batman. Chos. Seriously, this time, sana wala ng pressure sa family ko. I want to do things without pressure. Yung kaya lang ng katawan at kalusugan ko.
Lord, please guide me. To my family, please be patient. <3
No comments:
Post a Comment