Hinigpitan ko ang lubid na nakapulupot sa aking puso. Nagtago, lumayo, umiwas sa mga sakit na maaaring maramdaman nito. Sa huli, nabigo ako.
Hanggang kailan ako tatapak sa linyang iginuhit ko?
Hanggang kailan ako magtatago at mangangarap na lang?
Takot ang pumipigil sa akin? O hindi kaya'y mga tao rin na nakapaligid sa akin?
Paano ako lalabas sa kulungan na binuo ko kung wala namang kasiguraduhan ang mundong lalabasan ko?
Heto nanaman ako, nagugulhan, nasasaktan, nagtatanong, nag-iisip, nagmamahal....
Hanggang kailan papatak ang aking mga luha?
Maaaring hindi sapagkat may papatak na luha hangga't nagmamahal ka...
No comments:
Post a Comment